Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa
Transcript of Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa
0
Kagawaran ng Edukasyon
Music 1 Ang Melodiya at Pitch
Ikalawang Markahan- Ika-2 Linggo
Catyren R. Talento Manunulat
Buena C. Dela Cruz, Ed. D. Annabelle P. Delos Santos MT1
Tagasuri
Wilson F. Pascual Jinky DC Santos Rogelio Cabanting Efleda F. Enerlas
Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
1
Ang modyul na ito ay idinIsenyo at isinulat na
kasama ka sa isipan. Magsisilbi itong gabay upang
maipamalas mo ang pag-unawa sa mga konsepto
tungkol sa mga sumusunod na aralin.
Aralin 1: Pitch
Layunin: Natutukoy ang pitch kung mataas o
mababa.
Aralin 2: Melodic Pattern
Layunin: Nakaaawit ng may simple melodic pattern.
Aralin 3: Ang Pag-awit ng may Melodiya at
tamang Pitch
Layunin: Nakaaawit ng isang awit na mayroong
melodiya at tamang pitch tulad ng greeting songs,
counting songs at action songs.
Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa mataas at mababang tunog
sa musika.
A. Form B. Melody C. Pitch
2. Alin sa mga sumusunod na instrumento ang may
mababang tunog?
A. Simbals B. Drum C. Piano
2
3. Anong instrumento sa musika ang may mataas na
tunog?
A. piano B. gitara C. dru
4. Isang paraan upang makapagparinig tayo ng
_____________ay sa pamamagitan ng pag-eecho o
paggaya sa mga tunog.
A. Melodic Pattern
B. Melodic Line
C. Melodic Contour
5. Alin sa mga sumusunod ang awitin na pangbati o
greeting song?
A. Singing Bird
B. Bahay Kubo
C. Good Morning
Ano ang ibig sabihin ng Ostinato?
Ang Ostinato ay isang paksa o parirala na patuloy
na nauulit sa parehong musikal na boses, madalas
sa parehong pitch. Ang ostinato din ang ginagamit
sa awiting “Bahay Kubo” na maaari ring saliwan ng
mga instrumentong makikita sa kapaligiran.
A. Pitch. Ang Pitch ay tumutukoy sa mataas o
mababang tunog ng musika.
3
Do Re Mi Fa So La Ti Do
Ang pinakamababa ang tatawagin nating do,
sumunod si re, mi, fa, so, la, ti, at ang
pinakamataas, ang mataas ng do.
Handa ka na ba?
Awitin ang mga tono sa iskala ayon sa taas ng
guhit nito.
do re mi fa so la ti do
Awitin muli upang iyong higit na makilala ang mga
tunog.
B. Simple Melodic Pattern
Isang paraan upang makapagparinig tayo ng
simple melodic pattern ay sa pamamagitan ng pag-
eecho o pag-alingawngaw sa mga tunog o tono
na ating naririnig.
4
Melodic Contour
Ito ay ang hugis ng melody ng isang bahagi o
kabuuan ng awit.
Body Staff
Ito ay ginagamitan ng kamay at katawan sa
paglalarawan ng galaw ng himig.
Melodic Line
Ito ay ang paggawa ng guhit na tuwid
na may pakurbang pababa o pataas
mula kaliwa pakanan.
Line Notation
Ito naman ang putol-putol na guhit pahiga na
naayon sa tono ng isang awit. Itinatapat ito sa
bawat pantig ng awit.
C. Maaari nating awitin ang melodiya ng isang awit
na may wastong tono o pitch sa iba’t ibang paraan
at sa pamamagitan ng pag-awit ng mga simple
children’s melodies tulad ng greeting songs,
counting songs at action songs. Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang nakasulat sa table sa ibaba.
5
Greeting Songs Counting Songs Action Songs
Kumusta kayong
lahat
1 and 1 two Ako ay may
Lobo
Good morning The number
song
Paa, tuhod
Hello song Ten Little
Indians
Kung ikaw ay
masaya
Ang pag- awit ng mga greeting songs, counting
songs at action songs ay isa sa kinagigiliwan mong
gawin. Karaniwan, madali mong natututunan ang
mga ito sa pamamagitan ng madalas na pag- awit
ng may wastong tono.
A. Panuto: Masdan mo ang apat na batang ito at
tukuyin ang tono nila sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong sa susunod na pahina. Isulat ang iyong
sagot sa mga patlang.
1. Sino ang mas mababa sa kanila mi o so?
_____________
do so mi do
6
2. Sino naman ang mas mataas sa kanila so o ang
mataas na do? __________
3. Sino ang sumunod sa mababang do?____________
4. Sino naman ang sumunod sa mi? ____________
5. Magkasing tunog ba ang dalawang do?
_________________.
B. Panuto: Sundan ang pagtaas at pagbaba ng
himig ng “Pan de Sal”. Gamitan mo ito ng mga guhit
pahiga sa tapat ng bawat pantig kasabay ng pag-
awit.
C. Panuto: Kumustahin ang kasama sa bahay sa
pag-awit ng Good Morning. Maaaring
mapakinggan ang awitin gamit ang link na ito
https://youtu.be/-0o79IMmAYE
7
(Awitin ito sa tono ng Good morning song by Maple Leaf
Learning sa Youtube.)
https://youtu.be/-0o79IMmAYE
Ano ang masasabi mo sa iyong inawit?
___________________________________________________
___________________________________________________
1. Ang awit ay binubuo ng iba’t ibang nota o tunog
na maaaring mataas, mas mataas, mababa at
mas mababa at ito ay pitch.
2. Isang paraan upang makapagparinig tayo ng
simple melodic pattern ay sa pamamagitan ng
pag-eecho o pag-alingawngaw sa mga tunog o
tono na ating naririnig.
3. Maaari natin awitin ang melodiya ng isang awit na
may wastong tono, sa iba’t ibang paraan sa
pamamagitan ng pag-awit ng mga simple
children melodies tulad ng greeting songs,
counting songs at action songs.
8
Panuto: Awitin natin ang “Tayo Na! Tayo Na!”.
Maaaring gumamit ng ano mang bagay na
nagbibigay ng tunog. Gamitin ang link sa ibaba
https://youtu.be/5SdE67101nk
A. Panuto: Pagmasdang mabuti ang galaw ng mga
nota. Pagtambalin ang nota ng melodic patterns sa
kaliwa at tamang contour shape sa kanan. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa puwang.
https://youtu.be/5SdE67101nk
9
B. Panuto: Awitin ang awiting “Paa, Tuhod, Balikat,
Ulo” ng may tamang melody o wastong tono.
Gamitin ang link na ito https://youtu.be/mNjN8VvxrFk
https://youtu.be/mNjN8VvxrFk
“Paa, Tuhod, Balikat, Ulo”
Paa, tuhod, balikat, ulo
Paa, tuhod, balikat, ulo
Paa, tuhod, balikat, ulo
Pumadyak tayo at magpalakpakan
(Ulitin muli ng dalawang beses)
Pumadyak tayo at magpalakpakan
___ 1
___ 2
___ 3
___ 4
___ 5
D
E
C
B
A
10
Panuto: Ipakita ang lubos na pagkatuto sa mga
isinagawang aralin sa pamamagitan ng paglalagay
ng tsek ( ) sa tamang kahon. Gamitin ang rubriks
3 - Napakahusay 2 - Mahusay
1 - Kailangan pa ng pagsasanay
Rubriks
Kaalaman 3 2 1
1. Natukoy ko ang awitin na may
mataas at mababang tono.
2. Natukoy ko ang iba’t ibang
Simple Melodic Pattern.
3. Nakaawit ako nang may
kasamang kilos.
4. Nakaawit ako ng iba’t ibang
simple children melodies tulad ng
greeting song, action song and
counting song.
5. Naipakita ko ang kasiyahan sa
gawain.
11
Gawain
A.
1. mi
2. mataas na do
3. re
4. fa
5. mababa, mataas
B.
Pag-alam sa
Natutuhan
B.
1. D
2. E
3. C
4. B
5. A
Susi sa Pagwawasto
Sangunian
Music and Art Learner’s Material (Tagalog) 1
https://www.slideshare.net/mobile/lhoralight/k-to-12-grade-
1-learners-material-in-music-and-art-q1q4
Musika, Art, Physical Education and Health 2
https://www.slideshare.net/mobile/lhoralight/k-to-12-grade-
2-learning-materials-in-mapeh
Para sa mga awitin:
www.youtube.com
Unang Pagsubok
1. C
2. B
3. A
4. A
5. C